Monday, March 17, 2008

stressed

hay...nasan ka ba? bakit kung kelan kailangan kita, saka ka naman hindi ngpaparamdam?
alam mo ba na sobrang kinakabahan ako ngayon dahil may rated flight ulit ako bukas?...
sobrang daming kailangan aralin. hindi ko na nga alam kung alin ang uunahin ko... ang totoo nyan, na-aral ko naman lahat, kaya lang dahil sa sobrang dami, halo-halo na sa utak ko ung mga dapat i-memorize. buong linggo na akong ganito. hindi makatulog at makakain, talo ko pa ang heart-broken. nakakapagod na nga ito e. masaya ung trabaho pero nakakapagod ung ganitong pakiramdam...kailan ulit kaya ako makakapag-pahinga? ung tipong walang iniisip at pinoproblemang cabin crew supervisor na mag-grade sa trabaho ko. kung makikita mo nga ako ngayon, sobrang pagod ng mga mata ko. kahit araw-araw ako mg-stresstabs, parang walang epekto. mukha pa rin akong sabog.(hehe. kya buti na lang hindi tayo ngkikita)

pagkatapos nga ng rated flight na ito, meron nanaman akong training sa bagong eroplano. at syempre, may rated flight nanaman ako dun. parang walang katapusan ung pamomroblema ko sa mga paglipad na ito. hay... hindi bale, sandali na lang ito. kaya ko to! makakatulog din ako ng mahimbing na may kasama pang sobrang lakas na hilik at tulo ng laway.hehehe.
sige na, mgpapaalam na ako. sana maging mahimbing ang pagtulog natin ngayon. paalam!

No comments: